Tanong ng Paglisan
Tanong ng Paglisan
Mali nga ba na sinambit kaagad ang mga katagang "mahal kita"? Mali nga ba na umibig na lang bigla? Mali nga ba na sumugal ako, ikaw, tayo sa larong ito Kahit na alam natin na tayong dalawa ay talo?
Hindi ko alam kung bakit naramdaman Ang biglang takot sa dibdib na gustong sumabog sa kawalan, Natatakot akong mawala ka sa piling ko Pero mas takot ako na ikaw ay masaktan ko.
Huwag ka ng lumingon, huwag na akong sulyapan pa Kahit na kasi gustuhin pa nating dalawa Putol na ang daan sa kung ano ang "maaaring pwede pa" Doon sa tulay ng "hanggang dito nalang talaga".
Mahal, minahal kita, mahal parin kita Ngunit hindi sapat ang pag ibig para ipaglaban ang isat isa Mahal kita ngunit tadhana ay nakialam na Mahal, tama na. Bitaw na.
@bebechupss || @qveenisabel06 || pantastekmiggy