top of page

Basta, Mahal Kita!

  • Isabel & Sam
  • Feb 20, 2017
  • 1 min read

Note: I believe that this is the most cheesy poem I have ever made, diba dok? :))

Basta, Mahal Kita!

Mahal kita todo todo

Walang break, walang preno,

Mabangga man sa kanto

Ang puso ko'y buong buo para sayo.

Mahal kita sobra hindi sakto

Tipong sagad hanggang buto,

Pareho man tayong mahilo

Ang mundo ko'y iikot para sayo

'Mahal Kita' sa tagalog

'I Love You' sa english,

'143' sa mathematics

Ewan ko lang sa physics.

Mahal kita, dalawang salita

Di na kailangang paliwanag pa,

Malaman mo lang sapat na

Na sa buhay ko'y pasok na.

Mahal kita sana'y iyong malaman

Pag-ibig ko'y keso, sa iyong puso'y gawing palaman,

Sa bawat banat sana'y iyong maramdaman

Pagmamahal ko sa iyo di magbabago kailanman.

Mahal kita, sa pangalan mo'y dikit na

Uulitin para mas ramdam mo pa,

Mahal kita, alam kong alam mo na

Aaraw-arawin para lagi mong maaalala.

@doctonychopper || @qveenisabel06

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page