top of page

Bilanggo

  • Isabel & Raito
  • Feb 20, 2017
  • 1 min read

Note: The first and last poem collab with Rai :(

Bilanggo

Alay ko'y pag-ibig, Balik mo'y pagsisisi, Saya binibigay ko, Luha ang sinusukli mo.

Gusto ko man tanggapin Alay mong pag ibig sa akin, Di ko kayang magpanggap Na ikaw ang aking hanap.

Saan ba nagkulang? Ano bang mali ko? Sadyang hindi ka makuntento, O talagang paglaya ang gusto?

Huwag ng hanapin kung saan nagkamali Hangad ko lang ay putulin na ang tali, Ng ang puso kong kinulong mo Tuluyan ng makasama ang tunay na mahal nito.

Ako'y nagsumamo Manatili sa tabi ko, Kay tigas ng puso mo, Walang ibang sinabi kundi "Pakawalan mo na ako,"

Tama na, pakawalan mo na ako Pinapahirapan mo lang tayo pareho, Ikaw, pilit na binibilanggo ang

puso kopara mabuhay ka At ako, pilit na nabubuhay upang

sa iyo ay tuluyang makalaya.

@nemesis_crusader

@qveenisabel06

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page