Dilemma Ng Pag-Amin
Dilemma Ng Pag-Amin
Sa pagdilat ng aking mata
Sa pagsalubong ng bagong umaga,
Ikaw agad ang aking naaalala
At nais agad sabihing,
“Mahal ko, gising na!”
Sa maghapon na lilipas
At sa pag-uusap na di nagwawakas,
Kahit sandaling walang awat
Bakit di pa rin kayang ipagtapat?
Sa bwat pabirong salita
Na mahal mo ako at mahal kita,
Kailan mo kaya sasabihing totoo na
Nakakapagod din kasi ang umasa.
Sa mga mensaheng aking nababasa
Hangad ko’y sa puso mo talaga nagmula,
Takot kasi akong baka ikaw lang ay nadadala
Di mo na maihiwalay ang totoo sa hindi na.
Ang hirap palang magtago ng nadarama
Totoo na kasi sa akin ang lahat ng aking pinapakita,
Dinadaan ko na nga lang sa mahinang tawa
Kapag sinusubukan kong magparamdam
At ang tanging sagot mo ay malutong na ‘hahaha’.
Pakisabi naman sa akin kung hihinto na ba
Sarili ko’t tinatanong kaya lang may pagkamakulit siya,
Pinipilit kong sabihing tama na, suko na
Pero paaano titigil kung dikta ng puso ko’y mahal na kita.
@qveenisabel06 || @iam_blawesome