top of page
Isabe, Rai, Hume & Miggy

Hiling

Hiling

Hiling ko sana ay pagbigyan

Kailangang makausap para wakasan ang nakaraan

Ilalabas lahat ng hinanakit na nararamdaman.

Dahil ako ay nanatiling nakakulong

Sa mga ala-ala ng ating kahapon,

Tumigil ang oras sa isang sandali

Di makakilos, papunta o pabalik.

Konting oras lang ang aking kailangan

Para gulo ng isip magkaroon ng kasagutan,

Hindi ko ninais na ikaw at ako ay magbalikan

Hiling ko lang ang sakit at pighati ay mawakasan.

Huwag mo sanang ipagkait sa akin

Huwang mong ipagdamot ang isang lingon sa pagitan natin,

Hayaan mong makapag-usap ang ating mga mata

At maging sapat na upang tuluyang puso'y makalaya na.

@nemesiscrusader || @qveenisabel06 || @humeyesu || @pantastekmiggy

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page