Ligalig
Ligalig
Sa mga gabing inasam kong kasama kita
Sa mga araw na alam ko sa sarili kong gusto kita,
Bakit ngayon ang isip ko'y naguguluhan na
At ang puso ko'y naliligalig na?
Natatakot, nalilito
Mahal na kita yun ang alam ko,
Pero bakit parang may pumipigil sa akin
Bakit sa iyo ay di ko kayang aminin.
Naguguluhan, natutuliro
Nahihirapan na ang puso ko,
Hindi ko alam kung tama pa ba ang lahat ng mga ito
Kung ang sarili ko ay di makuntento sa mga sagot na nakukuha ko.
Nanginginig, natataranta
Nagwawala na ang puso sa nadarama,
Nababaliw, nalulungkot
Puro luha at sakit sa mata'y nababalot.
Ang paglayo nga ba sayo ang tanging kasagutan sa mga tanong ko
Ang pag-iwas ba ang makakatulong sa pag-ibig nating magulo,
Iiwan kita at hahanapin ko lang kung saan umiikot ang aking mundo
Baka kasi pag di ako umalis, masaktan lang tayong pareho.
Hindi pa ako sigurado kaya't ayaw ko munang mangako
Susubukan ko munang mag-isa bago bumalik sa'yo,
Hindi pa kita kayang panindigan
Kaya't ayaw ko muna sayong magparamdam.
Mahirap! Masakit ang desisyong iwanan kita
Nagtatanong kung aalis nga ba o mananatili pa,
Susuko na ba o ipaglalaban kita?
Sa ngayon kasi kahit gusto ko pa, ang sakit sakit na.
@qveenisabel 06 || @pantastekmiggy