top of page
Isabel

Paglayo Kong Pangarap

Note: One evening, out nowhere sinumpong ako ng pagkapakialamera, I found @fluffybmax's poem at sinubukan ko siyang sagutin. Akala doon, magtatapos ang kwento.. She replied again with another hugot poem. Ang sakit kaya :(

Paglayo Kong Pangarap

Isang taon pa lamang

Noong nagpaalam ako,

Napilitang lumayo

Upang abutin mga pangarap na tayo ang bumuo

Pangarap nga unti-unting nabuo ko

Pero ano nga ba ang silbi nito kung wala nang 'tayo',

Dahil nung lumayo ako

Nagkaroon ng 'kayo'.

Wala na iyong dating plano

Dahil wala na ang 'ikaw' at 'ako'

Kasalanan ko nga siguro dahil lumayo ako

Upang tuparin ang pangarap na iginuhit mo kasama ako.

Isang taon na pala ang nakaraan

Ng pinili mong pareho tayong masaktan,

Binawala ating naramdaman

At sa pagbuo ng pangarap ay di kita damayan

Hinintay kitang ako'y balikan

Bawiin ako at iyong ipaglaban,

Minahal nya ako kahit pagkatao ko'y kulang

Tinanggap Kahit alam niyang ikaw pa ang mahal.

Dating plano'y nabasura na lang

Ikaw at ako'y hindi na napagbigyan,

Tayong dalawa ang sya atang may kasalanan

Di ko kasi nagawang kumapit nung ako'y iyong binitawan.

Bumalik ako upang ikaw ay ipaglaban

Kunin ka sa taong sa iyo ay nagmamahal,

Ngunit ako'y natakot at naduwag

Naitanong sa sarili, 'Ako ba'y may pinanghahawakan?'

Naroon ako pinapanood kayong magkasama

Na kahit malayo ay nasisilayan ka sinta,

Di ko na magawang lumapit at bawiin ka

Pagkat kasiyahan sa iyong mukha ang siyang nakikita.

Kaya pinilit na sa iyo ay lumayo na lamang

At sa iyo ay hindi na ulit magpaalam,

Pero bago ko naihakbang mga paa sa aking kinatatayuan

Ako ay bumulong ng isang dasal,

'Mahal ikaw ay maging masaya,

buuin ang ating pangarap na ang kasama mo na ay siya'.

@fluffybmax

@qveenisabel06

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page