Patawad, Hanggang Sa Muli
Patawad, Hanggang Sa Muli
Hindi ko ginustong sabihin sa iyo ang totoo
Ayaw kong masaktan ka at makitang lumuluha ang mga mata mo,
Ayaw kong maging sanhi ng kalungkutan mo
Ang panoorin kang naghihintay lumamig ang hawak ko sa kamay mo.
Ang paglihim ng lahat ay hindi naging madali
Inaasam na makita ang mga ngiti mo kahit sa huling sandali,
Pinipigilan kong huwag sabihin sayo na 'mahal ang sakit'
Gusto ko pa kasing makita ang bukas nating dalawa kahit pilit.
Sa mukha ko ay hindi maitago ang pait
Katumbas nito ay ang pag saksak sa puso ko ng paulit ulit,
Ilang oras pa ba ang ibibigay sa atin, sa akin?
Ilang araw pa ba ang pwedeng ipahiram sa pagmamahalan natin?
Isa, dalawa, tatlong minuto
Hanggang kailan kakayanin ng puso ko?
Apat, lima o anim na buwan
Paano kita ihahanda sa aking paglisan?
Sa ilalim ng unan mo may huling liham ko
Nakasulat dito lahat ng gustong sabihin sa iyo,
Mahal, patawad, hindi ko na magawang magpaalam sa'yo
Patawad, hindi ko na magawang pahiran ang mga luha mo
Patawad, hindi ko kinayang labanan ang sakit ko
Patawad, hanggang dito nalang talaga ako...
Hanggang dito nalang tayo...
@qveenisabel06 || @pantastekmiggy