Romantiko Vs Pilosopo
Romantiko Vs Pilosopo
Sandaling sandali na lang Pagbigyan mo na ako bago mo ko tuluyang talikuran, Magdadagdagdag lang ng mga alaala Susulitin lang huling tiklada ng oras nating dalawa.
Hihingi ka na naman ng ilang sandali
Pakibilisan mo lang ako'y nagmamadali
At anong ala-ala ang idadagdag mo
Hindi pa ba sapat ang mga nagawa ko?
Maaari bang titigan ako sa mga mata Sabihin sa 'king ako'y mahal pa? Di naman siguro kalabisan di ba? Tutal lilisanin mo na naman akong talaga?
Ang lakas ng loob mong sabihing titigan kita
Gayong ang mata mo ay may mga muta pa,
At ang tulong laway ay nakahagbas pa
Pwede bang maghilamos ka muna?
Maaari mo ba akong hagkan? Iparamdam mong minahal mo ako kahit minsan, Munting hiling ko'y iyong pagbigyan Hayaang ito ang maging baon ko sa iyong paglisan.
Paano kita hahagkan sa ganyang hitsura
Buhok na di nasuklay, mukha kang bruha,
Ang hininga mo bakit amoy ay kakaiba
Ano ba kasi ang ulam nyo ng kamakalawa?
Maari mo ba akong yakapin? Tipong sakit ay ililipad nalang ng hangin, Nahihirapan lang kasi akong isipin Na bukas ay hindi ka na tuluyang akin.
At paano kita magagawang yakapin?
Kung nanlilimahid ka't mukhang gusgusin,
Pwede ka bang maligo muna
Ang damit na suot mo parang kahapon pa.
Patawarin ang pagiging dugyot
Sarili kasi'y nakalimutan na dahil sa matinding kirot,
Wag munang mandiri at mangilabot
Sandali't maghihilamos na't mag-aayos.
Yan ang dahilan kung bakit kita iiwan
Sa sobrang kabaliwan, sarili'y pinabayaan,
At kahit mag-ayos ka ay hindi na ako mapipigilan pa
Dahil ang amoy mo ay hindi ko na matitiis pa.
@qveenisabel06 || @IEmma_S
@ALDUB_Macho