Sa'yong Mga Salita
Note: Ano pa nga ba? Hahahaha... Nag-eenjoy nga kasi akong pakialaman ang mga tula ng may tula. Patawarin po ako :))
Sa'yong Mga Salita
"Magandang umaga",
Ang bungad pagbangon sa kama.
"Maganda ang umaga" dahil sa iyong balik pagbati, Kasabay ng isang ngiti, kita ko ang biloy mo sa iyong pisngi.
"Kain na",
Ang sarap pakinggan tuwing napapansin na ako'y gutom na.
"Kumain ka na", di ko makalimutang tanungin ka, Ako kasi'y busog na makita ko lang ang saya sa iyong mukha.
"Pahinga ka muna",
Hinding hindi ako mapapagod na mahalin ka aking sinta.
"Pahinga ka muna", lagi ko sa iyong paalala, Paano nalang kasi ang lakas ko kapag napagod ka.
"Mahal kita",
Mga salitang hindi nakakasawang marinig mula sa kanya.
"Mahal kita", uulit-ulitin kong sayo ay maipadama, Na hindi lamang ito nagtatapos sa dalawang kataga.
"Tulog na",
Lumipas ang isang araw na masaya sa pling ng isa't isa.
"Tulog na", bulong ko sayo bago ipikit ang mga mata, Wag mag alala, bukas paggising mo, mas mahal pa kita
Mga salitang sa aki'y nagpapasaya,
Simpleng mga salita na sa aki'y mahalaga.
Mga simpleng salitang maaring katatawanan para sa iba, Ngunit batid natin sa isa't isa na ito ay higit pa.
@doctonychopper
@qveenisabel06