top of page
Isabel & Nats

Hindi Na Maaari Pa

Hindi Na Maaari Pa

Minahal kita ng buong-buo, higit pa sa buhay ko

Minahal kita kahit alam kong iba ang iyong gusto,

Kahit nahihirapan at parang dinudurog ako

Tinitiis ko lahat, masilayan lang ang mukha mo.

Mahal din kita sa paraang alam ko

Mahal kita at ang sakit lang na nauna siya sa puso ko,

Pinipikit ko na nga lang ang mga mata ko

Tuwing nakikita kong may luhang tumutulo galing sa'yo.

Lakas loob kong sinabi sa'yo na mahal kita

Kahit alam kong ang mahal mo talaga ay iba,

Hindi ako umaasang mamahalin mo

Gusto ko lang malaman mo ang damdamin ko.

Di mo lang alam kung gaano ako kasaya

Ng umaming sa akin na may nadarama,

Hindi ko malaman kung ano ang unang gagawin

Tatalon ba o ikukulong sa bisig upang yakapin.

Nawalan ka ng kibo ng madinig mo

Ako nama'y yumuko, tumalikod papalayo,

Umaasa akong iyong hahabulin

Pero ako'y nabigo, lalong nasaktan ang damdamin.

Di ko mahanap ang tamang salita

Paano ko sasabihing nagugustuhan din kita,

Kung hindi na maaaring mahalin ka pa

Patawad pagkat ang puso ko'y itinali na niya.

Masama mang isipin pero minsan dinadasal ko

Na maging akin ka, mahalin mo din ako,

Na balang araw ay magigising ka

Na mas higit ang pag-ibig ko kesa sa kanya.

Maniniwala ka ba na pinapangarap kita

Na umaasa akong sa paggising, ikaw ang kasama ko at hindi siya,

Na darating din ang oras para sa ating dalawa

Yung panahon na masasabing sa'yo ako at akin ka.

@ALDUB_Macho

@qveenisabel06

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page