top of page

Kapit

  • Isabel & Miggy
  • Feb 21, 2017
  • 1 min read

Kapit

Sa tuwing binabanggit mo ang salitang 'maghiwalay na tayo'

Para akong binubuhusan ng yelo,

Sa tuwing pinaparamdam mong hanggang dito na lang tayo

Para mo na rin sinabing 'tama na, suko na ako'.

Nahihirapan ako, Oo

Pero hinding hindi ako bibitaw sa mga kamay mo,

Dahil kapag ginawa ko ito

Marahil, mahal ikamamatay ko.

Kaya kahit masakit kinakaya ko

Pinipilit kong mga ngiti ko ang makita mo,

Pinipigilan kong tumuo ang mga luha sa mata ko

Habang hinihintay kong marinig ang mga salitang mahal mo pa ako.

Mahal nagmamakaawa ako

Kumapit kang mabuti sa hawak ko,

Hayaan mong hanggang sa huli'y ako'y kasama mo

Naniniwala akong malalampasan natin ito.

@qveenisabel06 || @pantastekmiggy

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page