top of page

Magkabilang Mundo

  • Isabel
  • Feb 21, 2017
  • 1 min read

Magkabilang Mundo

Ngunit bakit di ko maramdaman

Di mahanap ng puso kong nasasaktan,

Ang sinasambit ng puso mong mahal mo ako

Mas nangingibabaw kasi ang sakit na tayo ay magkalayo.

Ikaw ay nariyan habang ako ay narito

Kailan kaya ang landas nati'y magtatagpo,

Sabihin sa akin paano mawawala ang duda ko

Na ang relasyong nahanap ay nananatili pang buo.

Ilang bundok pa kaya ang kailangang tawirin

Ilang karagatan ang kailangan kong languyin,

Upang ang isip ko'y matahimik

Sa isiping akin ka lang ng walang tanong na paano at bakit.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page