top of page
Isabel & Miggy

Paalam

Paalam

Dumating na yung araw na kinakatakutan ko

Yung araw na kailangan ko ng lumayo sa'yo,

Ang sandali na kahit sa panaginip di ko nabuo

At lahat ng inipon kong pangarap ay tuluyan ng gumuho.

Masakit sa akin na harapin ang araw na ito

At sambitin ang mga salitang kamumuhian mo,

Walang kasiguruhan kung balang araw mapapatawad mo pa ako

Pero sana paniwalaan mong minahal kita ng higit pa sa buhay ko.

Hindi ko alam kung paano sisimulan at tatapusin ito

Hindi ko napaghandaan kung paanong ang anim na letra'y babaguhin ang buhay ko,

Hindi ko alam kung saan ito patutungo, sa iyong isip bang magiging sarado

O sa puso mong hangad ko'y bukasay naroon pa ako.

Sa bawat araw na magkasama tayong dalawa

Sa bawat oras na sinsasabi kang mahal na mahal kita,

Sa bawat minutong yakap ka at sinasambit na akin ka

Ay ang mga sandaling kapalit nito'y sakit pagkat kailangan palayain na kita.

Paalam, sana'y wag mong isiping binitiwan kita

Wag mo ring isiping pag-ibig ko sayo'y isinuko nalang basta,

Alam kong nasasaktan na kita ng sobra

Patawad sa sugat na aking dinala at sa mga luhang sa iyong mata'y papatak pa.

Paalam, kasi hindi ako ang taong para sa'yo

Paalam, kasi hindi ko alam kung meron ba talagang IKAW at AKO,

Paalam, pagkat hindi ko kayang ibigay ang sarili ko ng buo

Di ko mapanindigan ang pangako kong tayong dalawa hanggang dulo.

@qveenisabel06 || @pantastekmiggy

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page