top of page

Pag-Ibig Na Nga

  • Isabel & Miggy
  • Feb 21, 2017
  • 1 min read

Note: One of those madalang keso collab na nagagawa namin ni Miggy. Mostly naman kasi puro saksak puso, tulo ang dugo yung mga nagagawa namin eh :))


Pag-Ibig Na Nga

Hindi ko alam kung paano at kailan

Nagising nalang ako ikaw ang tumatakbo sa aking isipan,

Tinatanong sa sarili kung tama ba ang nararamdaman

Ngunit sumagot ang puso ko at sabing ikaw na ang laman.

Sa simpleng paglapit mo nagwawala ang sistema ko

Sa simpleng ngiti, kumakalabog ang puso ko,

Naririnig ka lang nyang magsalita, bumabagal ang tibok nya

Pag tumawa ka nama'y bumibilis na lang bigla.

Tuwing kasuap ako'y nawawalan ng hininga

Sinasabotahe na yata ako ng aking nadarama,

Kailan ko ba masasabi sa iyo ang tunay na nararamdaman

Gusto na kasing kumawala ang aking puso't isipan.

Ahhh! Ayoko ng mag-isip pa,

Ang gusto ko lang naman ay masabi na..

"Psst! Mahal na nga yata kita."

@qveenisabel06 || @pantastekmiggy

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page