top of page
Isabel

Ang Ikalawa

Note: This poem is written as one of the seven entries I submitted to Team Maso Bebe's when they were looking for new members to join their group.

Prompt: Second Choice

Ang Ikalawa

Akala ko masayang malaman na pinili mo ako

Akala ko sapat na ang pinapasok mo ako sa buhay mo,

Nagunaw lang ang aking mundo

Ng mapagtantong akin ka, pagkat hindi na pwede ang mahal mo.

Kapiling kita pero nauna mong naisip na sa pangarap mo isama siya

Napapangiti kita pero nauna mong naging inspirasyon ay ang tawa at hagikhik niya,

Mahal na nga kita pero una mong naging dasal ay mahalin ka din niya

Hindi sana ako nasasaktan ngayong mahal mo lang ako pagkat wala siya.

Akin ka na ba talaga?

O akin ka lang dahil imposible kayong dalawa?

Hawak mo ba kamay ko dahil ako ang sigaw at tibok ng damdamin mo

O natatakot kang pati ako ay mawala pag di pa nagdesisiyon ang puso mo?

Iiwan mo ba ako pag nakabalik na siya?

Sasama ka ba sa kanya at hahayaang ako ay mag-isa?

Mangangako ka bang babalik at iisiping ako ay reserba?

O sasabihan ako ng ganid mong puso na "MAHAL KITA, PUMAPANGALAWA".

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page