top of page

Boomerang Love

  • Isabel
  • Feb 22, 2017
  • 1 min read

Note: This poem is written as one of the seven entries I submitted to Team Maso Bebe's when they were looking for new members to join their group.

Prompt: Unrequited Love

Boomerang Love

Akala ko masakit na ang umasa

Akala ko masakit na ang isiping baka pwede pa,

Na sa konting sulyap mo nabibigyan ako ng halaga

Na sa tipid mong mga tawa baka sakaling maging akin ka.

Pero kailan nga ba mas masakit sa'yo ang umasa?

Kailan ba mas nagiging mapait ang aking nadarama?

Kapag ba ako ay nagsimula ng magduda at mawalan na ng pag-asa

O kapag nagdesisiyon na ang puso kong tama na at isuko ka na?

Darating ang araw na kailangan ko ng tapusin ang aking kahibingan

Lalo't alam kong wala naman itong patutunguhan,

Kailangan ko na sigurong huminto at magsimula ulit

Nalaman ko kasing hindi masaya ang pag-ibig na pinipilit.

Kaya't pakiusap wag kang lilingon pag tinawag kita

Huwag mong hayaang manatili ako habang di mo maibalik ang salitang 'mahal kita',

Titigil na ako kung wala na talaga

Dahil para akong tanga na humihila sa pinto na dapat ay itinutulak pala.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page