Huling Sayaw
Note: This poem is written as one of the seven entries I submitted to Team Maso Bebe's when they were looking for new members to join their group.
Prompt: The One That Got Away
Huling Sayaw
Mahal mo ako at mahal din kita
Pinagtagpo tayo para sa isa't isa,
Iniisip kong ikaw na talaga ang bigay ng tadhana
At ang makapiling ko hanggang sa pagtanda.
Masakit lang isipin na hanggang ala-ala na lang pala
Ang mga masasayang araw noon na kasama kita,
Naglaho ka nalang kasing parang bula
Pati pag-ibig mo hindi ko na makita.
Masakit ang magmahal
Ang maghintay ng matagal,
Mapait ang umiibig
Sa isang taong hindi na kayang bumalik.
Tama na, masakit na ang hawakan ka pa
Tama na, pagod ko ay sobra sobra na,
Minsan para sumaya
Kailangan tanggapin ang mga bagay na nawala na.
Sa huling pagkakataon ako ay bibitaw
Hihinto na sa pagmamahal sa'yo at aayaw,
May mga bagay kasi na kahit naiintindihan ko ang dahilan
Hindi ko pa rin maiwasan paulit ulit na masaktan.