top of page
Isabel

Ikaw, Ako, Kalaban ang Mundo

Note: This poem is written as one of the seven entries I submitted to Team Maso Bebe's when they were looking for new members to join their group.

Prompt: You And Me Against The World

Ikaw, Ako, Kalaban ang Mundo

Mahal kita kahit na iniisip nila'y ako'y nahihibang

Kahit dalawa na lang tayo sa digmaan,

Mahal kita kahit ang sakit sakit na

At kahit na tutol ang lahat sa ating dalawa.

Pero mahal sabihin mo sa akin paano pagpapatuloy ang pagmamahalan?

Paano ko ipapakita sa kanila na ikaw ay para sa akin lamang?

Paaano natin mapapatunayang ang nararamdaman ay sapat

Upang tumigil na sila at bigyan tayo ng konting habag.

Lahat ng "ang tanga tanga" nila ay tiniis ko

Lahat ng masasakit na salita laban sa'yo ay nilunok ng puso ko,

Sinabihan, pinakiusapan na ikaw ay kailangan kong iwasan

Ngunit mahirap pala kung yung taong yun ay ang taong gusto kong lapitan.

Natatakot na ako mahal baka isa sa atin huminto ang tibok ng puso

Natatakot akong baka isang araw magkulang na ang tapang na meron ako,

Mahirap kasing kalabanin ang buong mundo

Alam kong lahat ng sumusuko, natatalo; pero hindi lahat ng lumalaban eh nananalo.

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page