top of page
Isabel

Napiping Sigaw

Note: This poem is written as one of those five entries I posted for AMACON official.


Prompt: A Quiet Rebellion


Napiping Sigaw

Pinalaki akong matapang ng aking mga magulang

Hindi ako marunong umurong sa kahit anumang laban,

Ipinakilala nila sa akin na ang mundo ay isang malaking digmaan

At kailangan kong mabuhay na parang rebeldeng may paninindigan.

Pero teka, may isang kalaban yata akong hindi napaghandaan

Hindi pala napag aaralan na ang sikretong pagmamahal ay hindi karaniwang kalakaran,

Hindi din naituro kung paanong makipagbatuhan ng hindi nasasaktan

At kung paanong umilag ng ang puso ko ay hindi nakikiharap kay kamatayan.

Oo, rebelde akong nakikipaghabulan sa pantasya kong di ko mabigyan daan

Ako'y nakikipagtaguan sa panaginip kong puro imahinasyon lang ang tangi namang laman,

Sumusuko kasi ako sa mga ngiti mong kahit sa pagpikit sa kadiliman ay ayaw akong tantanan

At sa mga tingin mong ginigising ako sa isang realidad na kailangan ko pang bantayan

Mananatili akong rebeldeng nabubuhay dahil may dahilan

Na hindi humihinga dahil obligasyon lang,

Na hindi lumalaban para matalo lang,

Pero sa paanong paraan ang prinsipyo ko ay hindi matalikuran

Kung mananatili kang bingi sa pag ibig kong ako lang naman ang may alam.

6 views
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page