Isabel
Natutulog Na Hiling
Note: This poem is written as one of those five entries I posted for AMACON official.
Prompt: The Sound of Moolight
Natutulog na Hiling
Gabi gabi akong nakatingala sa dilim
Nagaabang ng mataimtim sa hangin,
Nakita mo ba ang kislap ng aking mga mata?
Narinig mo na ba ang musika ng kadiliman mong dala?
Hanggang kailan ako maghihintay?
Hanggang kailan ako makikiusap sa iyong gandang taglay?
Mahahawakan ko pa ba ang kanyang kamay
O magdamag nalang sa'yong malungkot na nakatunghay.
Oo, sa ilalim mo una ko syang nakita
Dito ko rin hininging matuloy ang kwento naming naputol nalang bigla,
Ngunit napaisip ako at unti unting napailing
Bakit ko nga ba ipagkakatiwala ang pinaka aasam kong hiling
Sa isang malaki ngunit patay naman na bituin?