Paano Nga Ba?
Note: This poem is written as one of the seven entries I submitted to Team Maso Bebe's when they were looking for new members to join their group. Miggy and I decided to make a poem collab for the said activity :)
Prompt: Unrequited Love
Paano Nga Ba?
Paano mo nga ba ako mamahalin
Kung ang tibok ng puso mo'y di katulad ng akin?
Paano ako makikita ng iyong mga mata
Kung bulag ka sa pagtingin mo sa kanya?
Paano ko nga ba sasabihin sayo ng hindi ka masasaktan?
Mahal kita, sobrang mahal pero hanggang kaibigan lang,
Takot akong mawala ka sa buhay ko
Ayaw ko lang na lahat na pinagsamahan natin ay maglaho.
Paano mo ako magagawang yakapin
Kung simpleng kaibigan lang ang iyong tingin?
Na kahit sabihan kong aalis ako
Di na ako aasang pipigilan mo.
Gusto kong yakapin ka hanggang sa mawala ang nararamdaman mong sakit
Dati'y matamis na ngiti at napalitan ng walang kasing pait,
Kung paglayo ang naisip mong makakabuti, hindi kita pipigilan
Pero aasa akong babalik ka at babalik ang lahat ng dating pinagsamahan.
Kaya't huling beses mo ng maririnig na mahal kita
Kalakip ang pagmamahal sa bawat letra,
Huling beses mo ng malalaman ang aking nadarama
Nasasaktan lang kasi akong lapitan ka.
Sa pagsambit mo ng mahal mo ako
Gusto kong sagutin ngunit baka sabihin mong paasa na naman ako,
Ayaw kong umasa ka na may magbabago
Dahil bilang magkaibigan, alam kong magtatagal tayo.
Binibilang ko nalang ang panahon at iiwasan na kita
Lalayo ako at pipiliting di masilayan ka
Wag mong isiping lalayo pagkat galit ako
Nilulugar ko lang ang sarili sa pwestong dapat kalagyan nito.
Pipikit ako upang makayanan ng puso ko
Sanay man akong parte ka na ng buhay ko
Ayaw kong makitang hawak mo ang kamay ng mahal mo
Habang lumuluha akong nakikinig sa inyong kwento.
Patawad, hindi ko kayang suklian
Pag-ibig na para sa akin sa iba mo nalang ilaan,
Ang iyong pagtingin sa iba ay ibaling
Ipagpaumanhin, mahal ko siya at siya lang ang gusto kong makapiling.
@qveenisabel06
@pantastekmiggy