Siyang Nagtatago
Note: This poem is written as one of those five entries I posted for AMACON official.
Prompt: Frozen Sun
Siyang Nagtatago
Nasaan ka na nga ba?
Ang sabi nila'y tuluyan ka ng nawala,
Pinili mong magtago sa isang hawla
At manatiling limot ng madla.
Gaano nga ba kasakit?
Hindi ka ba makadilat sa iyong pagpikit?
Gaano na nga ba kalamig?
Hindi na ba matunaw ng init ng mga halik?
Nasaan na ang dati mong init
Saan nagkukubli ang mga ngiti mong balita ko'y ngayo'y pilit na pilit,
Minabuti mo bang wala ka ng maramdam
Sa gitna ng hardin ng rosas na pinili mong daan.
Wag mo naman sanang masyadong panindigan
Ang kasabihan na ang minsang pinakawalan, tuluyan ng hindi binabalikan,
Subukan mo namang labanan ang hapdi ng nakaraan
Baka sakali dito mo makita ang alab na di mo na matagpuan.