Tulong
Note: This poem was made when ADN Team Maso Bebe joined the campaign "ORANGE THE WORLD" that promotes Violence Against Women (VAW).
Tulong!
Nakita mo ba sya?
Yung babaeng nanglilimos ng pagmamahal nya,
Kilala mo ba sya?
Yung tumatanggap ng bugbog mula sa kanyang asawa.
Mailap ang kanyang mga mata
Di umiimik, pili ang mga salita,
Sa bawat kasing maling sagot nya
Kinukulong sya sa kwartong mabaho at puno ng mga daga.
Sinubukan kong pakawalan sya
Nagpasaklolo pa sa mga kapitbahay nya,
Ngunit nanlumo ako at walang nagawa
Kinakatakutang pulis pala ang sa kanya ay may gawa.
Paano mo isusuplong ang sa kanya'y nanamantala
Kung batas nga'y nagagawa nyang mapadapa,
Paano nya makakamit ang hinahabol nyang hustisya
Kung naitago na ito ng inakala mong kakampi ng mga kapwa.