top of page

Silang Nagtatago

  • Isabel
  • Feb 22, 2017
  • 1 min read

Note: This poem was made when ADN Team Maso Bebe joined the campaign "ORANGE THE WORLD" that promotes Violence Against Women (VAW).

Silang Nagtatago

Pinagtitinginan sya sa daan

Nililibak sya na animo isang basahan,

Isa-isang syang pinariringgan

Ng mga salitang unti-unti syang sinasaktan.

Isa, dalawa.. dahan dahan syang humahakbang

Masakit ang bawat nyang mga kalamnan,

Mga pasa at mga galos sa kanyang katawan

Ang nagsisilbing tanda na sya'y napagsamantalahan.

Ngunit bakit, bakit walang humihinto sa kanyang harapan

Bakit walang nakarinig sa sigaw nyang may kahinaan,

Tulad din nya ba silang natatakot na madungisan

O nagmaang maangan sa malagim na katotohanan?

Nasaan sila? Silang mga nangakong magbibigay kaparusahan

Nasaan sila? Silang may gawa nitong kahindik hindik na kasalanan,

Paano nila ibabangon ang dangal ng isang kababaihan

Kung sila mismong nakasaksi'y nilulubog sya sa putik ng kahihiyan.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page