top of page

Babae Ka

  • Isabel
  • Feb 22, 2017
  • 1 min read

Note: This poem was made when ADN Team Maso Bebe joined the campaign "ORANGE THE WORLD" that promotes Violence Against Women (VAW).


Babae Ka

Babae ka

Ginawa kang kapantay ng iba,

Huwag mong hayaang saktan ka nila

Ang dapat sayo'y nirerespeto at tinitingala.

Babae ka

Hinugot ka mula sa tadyang niya,

Hinulma at hinayaang mabuhay kasama ng iba

Ang dapat sa iyo'y minamahal at sinasamba.

Babae ka

Ikaw ang kahinaan at kalakasan ng tagumpay niya,

Huwag mong hayaang dinudungisan ka nila

Dahil babae ka at may karapatan ka ding katulad nila.

Babae ka, itaas mo ang iyong noo

Matuto kang lumaban ng buo,

Harapin at buksan mo ang iyong isipan

Na bawat babae

Harapin mo at buksan ang iyong isipan

Na bawat babae sa atin ay pawang may kalayaan.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page