Wan Tym Lang
Note: This poem is written as one of the seven entries I submitted to Team Maso Bebe's when they were looking for new members to join their group.
Prompt: Rebound
Wan Tym Lang
Mahirap ba akong mahalin?
Mahirap ba akong tanggapin?
Nahihirapan ka bang kalimutan siya
At kailangang ang pagmamahal ko ay gamitin pa?
Masaya ka bang alam mong handa akong saluhin kita?
Nababawasan ba ang lungkot mo sa tuwing yakap kita?
Napapawi ko ba ang luha sa iyong mga mata
Tuwing hinahagkan kita at iniisip mong ako at siya ay iisa?
Hanggang kailan ako masasaktan?
Hanggang kailan kita hahayaang tayo ay maggamitan?
Ako, masaya habang kapiling ka
Ikaw, kapiling ako para sumaya.
Sa tingin mo ba natutuwa akong mahal kita habang minamahal mo siya
Gago ka ba? Hindi ako ganun katanga,
Kaya't nagsusumamo ako, huwag kang gumawa ng dahilan para sumuko ako
Huwag mong sayangin ang isang beses na minsan sa sobrang pag-ibig ko sa'yo
pumayag akong maging panakip butas mo.