Ako Na Naiba
Note: This poem is written as one of those five entries I posted for Team Maso Bebe's First Anniversary. We were given five prompts and from there we need to write a hugot poem :)
Prompt:
Do you know the feeling when you're so happy that you can't imagine ever being sad again?
Or when you're so sad that you no longer believe you could ever be happy?
When you tell me you love me, I always think of that strange emotion - that feeling of impossibility.
You say you love me, and you can't imagine a future without me in it,
yet all I can think of is how you must have felt the same way once about someone else.
- Anonymous
Ako Na Naiba
Minsan...
iniisip ko sobra nga yata talaga mag-isip ang tao
sobra rin umakto sa mga bagay na minsan lang dumarating sa buhay nito
at sa mga pangyayaring maganda na nga sa pananaw ng iba
pero naghahanap pa ng paliwanag kung bakit nangyayari yun sa kanya.
Tulad mo...
tulad ko
may mga pagkakataong masaya ako
at napapaisip ako kung may bagay pa kayang ikakalungkot ang puso ko
may mga gabi naman na nasasaktan ako
at tinatanong ko ang sarili ko kung may pag asa pa bang sumaya ako?
Ganun nga yata...
gusto ko pa yatang pinapahirapan ang sarili ko
gusto kong binabasag ang pusong itinabi at inigatan mo
gustong kong nakikita ang sugat na pinagaling mo
gusto kong iniingatan ang imposibleng bagay na bigay ng mundo.
Oo, mahal...
baliw na nga yata ako
nasiraan na ang utak ko sa sobrang pagmamahal sa'yo
mali nga ba ako?
mali ba akong makaramdam ng ganito?
mali bang nahihirapan ako sa tuwing sinasabi mong mahal mo ako
nagdududa lang kasi akong nagamit mo na rin ang mga salitang ito
sa mga babaeng naunang pumukaw ng atensyon mo
sa mga babaeng minsan naging laman ng isip mo
at sa mga babaeng unang nagmay-ari ng puso mo.
kaya't patawad mahal,
patawarin mo ako
masarap mang marinig mula sa iyo na mahal mo ako
ngunit minsan hindi ako natutuwang marinig ang mga salitang ito
kinakain kasi ang utak ko ng nalulumot na selos at panibugho.