Ang Pagkikita
Prompt: Love At First Sight
Group: ADN Tinta
Team: Good Vibes Lunes
Activity: For Valentine's Day
Ang Pagkikita
Naniniwala ako na may isang taong nakatadhana para sa iyo
Iyong taong makakadaupang palad at hahayan mong makapasok sa buhay mo
At kung papalaring naging mabait ka, baka iyong tadhana balikan ka
At ang taong sa'yo ay ipinakilala ang maging habang buhay mo ng maging kasama.
Oo, noon, naniniwala ako na kapag nakita ko na siya, liliwanag na lang bigla
May mahuhulog na mga bituin at sabay kaming ngingiti at mapapatingala
Naniwala ang musmos kong puso na sa aming pagtatagpo, mapupuno ito ng mga mahika
At ng kung ano-anong mga damdamin na hindi kayang ipaliwanag ng sensya.
Naniwala ako na may mga makukulay na paro-parong magliliparan
Kasabay ng pagsabog ng mababangong bulaklak sa kapaligiran
Baka nga may mga mahihinang boses pang mag aawitan
Na tila tuwang tuwa na sa wakas nagkita na ang aming kapalaran.
Kaya naman matiyaga akong naghintay sa aking makisig na prinsipe
Nakikinita kong nakasakay ito sa isang puting kabayo kasunod ng isang karwahe
Nangarap ako at nagdasal… patuloy akong umasa
Alam kasi ng musmos kong puso na darating din siya.. darating ka.
At sa wakas, dumating ang tamang panahon
Pero mali pala ako sa mga paniniwala ko noon
Na hindi ko na kailangan ng magiting na prinsipe sa ngayon
Dahil noong nakita na kita, sapat ng kahit simpleng kawal ka lang sa isang batalyon.
Mali ako sa lahat ng inakala kong pagdating mo noon
Magarbo parang yung mga nakikinita ko sa pelikula’t telebisyon
Ngunit sa lahat ng yun, isa lang ang tumama sa aking mga ispekulasyon
Na mapupuno ng mahika at ang puso ko’y mapapatigil at mapapatalon.
Kaya naman kahit isang daan pa ang mga nagkamaling sapantaha ko sa iyo
Ang mahalaga hindi mo pinabayaang umasa nalang ang puso ko
Hindi mo hinayaang patuloy akong mangarap sa isang pangarap ko
Na pinapangarap rin yata ng bawat kababaihan dito sa mundo.