top of page
Isabel

Hello Goodbye!

A few days earlier, we were asked by a friend to write her a poem that describes her short love story and on how she decided to finish that thing and on how she wants to tell her goodbye to that special someone. She promised that the poem would be her last stand and will never go back again at those times when she just painfully staring the love of her life loving someone else.



It really hurts when we decided to get out of the lives of someone we love. It is so painful sometimes that we just wanted to die. We burden ourselves with questions and we continually search for answers, why and where did our love go wrong. Time begins to flow, seasons begin to change. We need to accept, forget and we need to move on. Accepting and moving on has been a very hard task yet not impossible. We are just stubborn to realize that, because we still hope for a reconciliation, we still pray that the love grew cold will still ignite chances and we still believe that we can still work it out. Failures, dreams, nightmares, pains and heartaches. They are just broken pieces of ourselves, but they are the foundation with which we build a stronger and better us. Once we surpass these, only then can we truly say that we have experienced how to love and be hurt and yet we're still happy, not because we failed, but because we have moved on and given ourselves the chance to fall in love again.


The only time a goodbye is painful is when you know you'll never say hi again to that person.

But if you are brave enough to say that one simple word, life will reward you with a new hello.

And you'll see it will be better than ever. :)


I am letting you go, so I can be free. - Isabel

 

By the way, here's the poem we've made:

Paalam, Mahal

Bumuo ng sariling mundo ko na kasama ka Ilang buwan din na puno ng saya ang pagsasama, Hindi iilang beses na pinaramdam na mahal kita Hindi mabilang ang pagkakataong pinakitang sa buhay ko ika'y mahalaga.

Ngunit bakit ganon, bigla nalang nag-iba? Hindi ko namalayan na sa iba ikaw ay umibig na, Gumuho ang mundo ngunit hindi ipinahalata Gaya ng di ko magawang pigilan ang pagpatak ng aking mga luha.

Mahal kita sobra sobra pa nga Pero di ka nakuntento, di pa rin sapat pala, Kakayanin pa bang tiisin, kakayanin ko pa kaya? Sinusubukan ko namang pumikit habang nakikita kong hawak mo ang kamay nya.

Gusto ko sanang subukan ang minsan pang inakalang pag-ibig Gusto kong angkinin ka kahit di sa akin ang hanap mong bisig, Gusto kong sumigaw pero nananatiling tikom ang aking bibig Di ko na kasi mahanap ang "konting tiis pa" sa aking tinig.

Gusto ko pa sanang hanapin kung saan naging malabo Kung saan ako nagkamali at saan mo nakita ang dulo, Gusto ko sanang mangarap at mag ilusyon pa Baka sakaling doon sumagot ka ng "mahal pa rin kita".

Pero sabi ko tama na, hindi ko na kaya pang lokohin ang sarili ko Isang kahibangan pa kung ipagpipilitan kong mahalin mo ako, Kaya habang maaga pa bibitaw na ako sa pagkakahawak sa iyo Tatanggapin ko ng imposible talagang magkaroon ng IKAW at AKO.

At kahit may binitawan pa akong pangako sayo Na di kita iiwan, di ko gagawing sayo ay lumayo, Patawarin ako, ngunit hayaan mong maging makasarili ako Ngayon lang, kahit ngayon lang, hayaan mo munang unahin ko ang buhay ko.

Hindi ko man alam kung gaano kahaba, kung gaano katagal Paano ko buburahin lahat ng bakas ng aking tangang pagmamahal, Hindi ko alam kung ilang balde pa ba ng luha ang pupunuin o ilang dalampasigan pa ang lalanguyin Upang ang dating pangarap kong akin, tuluyan ko ng palayain.

Kaya kahit masakit lahat ng masayang alala mo ay ibabaon ko na Hindi ko na rin magagawang sayo ay magpakita pa, Hangad ko nalang maging maligaya ka sa kanya Paalam na, mag-ingat ka at tandaan mong minsan minahal kita.

At sa gagawin kong ito huwag mong isiping sayo'y ayoko na Huwag akalaing pag-ibig koy naglaho nalang bigla, Papakawalan ko lang ang sarili ko sa hawla ng panaginip kong likha Baka doon, doon ko mahanap mahal, ang pagkatao kong nawawala.

poem by: @qveeinsabel06 || @pantastekmiggy

prompted and story by: @iamAldubIloilo (twitteraccount)

10 views
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page