Mahal, Pakiusap
Note: This poem is written as one of those five entries I posted for Team Maso Bebe's First Anniversary. We were given five prompts and from there we need to write a hugot poem :)
Prompt:
You left,
but not completely.
Because the memories
kept wandering through my head,
and they do nothing,
but remind me,
of how once again,
I wasn't good enough
- Anonymous
Mahal, Pakiusap
Isa, dalawa, tatlo...
ilang buwan na nga ba ang dumaan mula nung nagpasya kang
ako'y iwan?
ilang gabi na nga ba ang kinausap kong sana'y hindi na magparamdam?
Apat, lima, anim...
marahil, kulang pa.
hindi ko na kasi mabilang pa kung ilang beses akong tumigin sa
pinto
kung ilang beses akong nagdasal na sana,
isa lang ito sa mga madami mong mga biro.
Pito, walo, siyam...
na ulit ko munang binasa ang mga mga dati mong sulat bago ko nagawang itapon
kasabay ng iyak ko habang ngumangata ng paborito nating chicharon
at oo, mahal
plinano kong ibalik lahat ng regalong ipinag-ipunan mo at binigay
iniisip kong baka sakali pwede pa tong gamitin ng ate mo o kaya ng yong nanay.
kasi kahit anong gawin ko darating ako doon sa...
Sampu...
at doon..
doon sa wala ka na
at wala ka na nga
walang nang magagawa kung hindi tanggapin na tapos na
at subukang kalimutan ka
at ng kung ano mang nag uugnay sa pa sa ating dalawa.
Pero bakit ganun?
sa bawat hakbang ko,
ay ang pag-atras pabalik sa'yo
sa bawat subok at laban ko,
natatalo na agad ako
sa bawat ngiting pinapakita ko,
ay may nagtatagong pagduda sa sarili ko
at sa bawat paglimot ko sa iyo,
ay ang ala-ala na dumating yung araw na kahit gaano pa kaganda ang naisulat nating
kwento
mananatiling hindi ako naging sapat upang mahalin mo ng buo
alam mo ba kung ano ang masaklap sa lahat?
may realisasyon na anuman ang gawin ko,
mananatiling hindi mo na maibabalik pa ang dating ako
kaya't mahal
sa iyong pag-alis
pakiusap
nakikiusap ako
dalhin mo na ang pag-ibig ko sa'yo
ngunit pakibalik mo naman ang pagmamahal na dapat para sa sarili ko.