Isabel
Mr. Kupido
Mr. Kupido
Dearest Mr. Kupido,
Tulad nila, makikisulat na rin ako
May isang tao kasi sana akong ipapapana sa'yo
Alam kong madalas ay sablay ka
At naduduling sa paningin ng iba
Pero baka sakali lang may tsansa
Na matuhog mo ang puso naming dalawa.
Psst. Lihim lang nating dalawa ito
Na ako'y hihingi ng isang palaso mo.
Makikiusap na sa pagkakataong ito
Ang landas naming dalawa'y pagtagpuin mo
At ng si tadhana'y magawang tumino
At hindi laging ginugulo ang buhay pag ibig ko.
Mr. Kupido, ako nama'y tulungan mo
Dahil sa oras na nabulabog mo ang puso ng mahal ko
At nagawa mo ang munting hiling ko
Nakakasigurado ka, Mr.Kupido
Ipagtatanggol kita sa lahat ng mga sa iyo'y nagrereklamo
At araw araw kitang pasasalamatan sa regalong bigay mo.
Umaaasa sa iyo,
Fan ni Kupido
Â