Isabel
Nekstaym
Prompt: Move On
Group: ADN Tinta
Team: Pumapag-ibig Wednesday
Nekstaym
Sinabi ko noon sa sarili ko
Pag ako nagmahal,
Kasama na doon ang ako’y masaktan.
Sinubukan kong paghandaan…
Maniwala ka, sinubukan ko
Pero sino nga ba ako?
Sino nga ba tayo ?
Para hindi makaramdam ng sakit na dulot nito?
Marahil nga nagkulang ako
O maaaring nasakal siya sa sobrang bigay ng puso ko
Ganun nga yatang pinanganak ang mga tao
Nasasaktan pero patuloy siyang lumalaban sa malabo.
Kaya naman kahit gaano pa kahapdi
At kahit gaano ko kagustong pumili
Ng taong mamahalin ko uli
Maghihintay ako
Maghihintay ako…
Pagkat alam kong sa tamang panahon
Ang tadhana sa aki’y muling ngingiti.