top of page

Kaya Pa

  • Isabel
  • Mar 27, 2017
  • 1 min read

Kaya pa

Alam kong nakakapagod na ako

Alam kong nakakasawa ng intindihin ako

Kaya’t ang munting nais mo

Susubukan ko

Susubukan kong ibigay ang kalayaang hangad mo.

Pero mahal,

Sa puso mong napunit ko

Hahanapin ko siya at ididikit muli ito

Sa pag ibig mong dinurog ko

Bubuuin ko ito kahit masugatan pa ako

Sa tiwala mong tinapon ko

Oo, gago ako pero pupulutin ko at ibabalik sayo ng buo.

Dahil kahit gaano mo pa sabihing pagod ka na

Panghahawakan ko pa rin ang salitang kaya ko pa

Upang muli't muling mahalin at ipaglaban ka.

 

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page