top of page
Isabel

Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit ikaw pa rin?

Bakit?

Ilang taon na yung lumipas

Ilang buwan na yung nagdaan

Di ko na nga mabilang kung ilang kalendaryo na

ang aking napunit at napalitan

Di ko rin alam kung nagsasawa na sa akin yung kalangitan

Kakahiling ko na sana makalimutan din kita kahit minsan

Minsan kasi kapag mag-isa ako

Habang yakapa ko ang mga unan

Habang nakikinig ako sa mga kantang may hugot at laman

Iniisip ko kung pareho ba tayong nahihirapan

Iniisip ko kung pareho tayo ng katanungan

Dahil mahal, gaano man katagal

Umaasa pa rin ako

Umaasa ako na ang mga unang linya sa tulang ito

Ay madalas ring hindi nagpapatulog sa mga gabi mo

Madalas ring nambubulabog diyan sa puso at pinapagagod yang isip mo

Kakahanap ng dahilan kung bakit hanggang ngayon nanatiling ako.

 

Artwork by: @isiFabria

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page