Mahal Kita, Paalam
Mahal Kita, Paalam
Mahal, alam ko madalas napupuyat ka sa gabi
Naririnig ko kasi yung mga hagulgol mo’t mga hikbi
Mahal, kung alam mo lang na sobrang miss na din kita
Miss na miss na kita
Na kinailangan ko pang makiusap sa kapatid mo
Na iwan ang telepono niya sa may kama
Tuwing nahihimbing ka na
Upang maramdaman kita,
Upang maramdaman kita
At marinig kahit man lang ang iyong paghinga
Hindi ko alam kung ilang araw at gabi na akong ganito
Nagmumukmok sa loob ng aking kwarto
Lumuluha na para bang katapusan na ng mundo
Ngunit naisip ko...
Sa wakas naisip ko,
Na kahit lumuha man ako ng dugo
Wala na din namang magbabago
Hindi ka na maibabalik nito
Hindi na maibabalik nito yung tayo
Alam ko mahal, hanggang ngayon nagtataka ka
Kung bakit nandito ako at nanatiling nandyan ka
Kung bakit iniwan kita sa ereng nagmamahal mag-isa
Kung bakit magkahiwalay ang tayong dalawa
Kung bakit sinukuan ko ang pag-ibig natin sa isa’t isa
At kung bakit parang palagay mo pinaparusahan kita
Dahil sumuko ka na
Sinukuan mo na ako at ang pagmamahalan nating dalawa
Yung mga pangarap na binuo natin simula 'nung umpisa
Lahat ng 'yun...nabaliwala
Itinapon mo lang na para bang basura
Kagaya ko na iniwan mo na lamang ng basta-basta
Mag-isa
Nang walang dahilan ni isang salita
Wala!
Mahal, maniwala ka
Mali lahat ng kung anong iyong inaakala
Noon pa man, pinili na kita
Pinili kita
Pinili kong mahalin ka
Pinili ka ng puso kong ipagsigawan sa madla
Pinili kong maging masaya
Maging masaya ng kasama kita
Pinili kong lumikha ng ikaw, ako, tayo at walang iba
Tapos ngayon, may gana kang sabihin sa iba na mahal mo ako?
Mahal na mahal mo raw ako
Na kaya ka umalis dahil 'yun ang makakabuti sa ikaw at ako
Putangina mo, gago!
Eh, ano 'to?!
Mabuti ba 'to!?
Saka pwede ba?
Wag mo na akong paniwalain sa matatamis mong salita.
Mahal kita, pero ang sakit-sakit na
Sa puso kong manhid ay hindi na 'yan uubra
Ngunit mahal,
Kasabay ng kagustuhan kong paulit ulit na piliin ka
Patawarin mo ako
Kung ngayon mas pinili kong palayain ka
Mas pinili kong isuko ang kung ano mang merong sa ating dalawa
Pinili kong saktan ka
Pinili kong magbilang ng luhang papatak sa iyong mga mata
Pinili kong talikuran ka
Pinili kong iwanan ka ng walang dahilan
Pinili kong hindi magpaalam
Pinili ko ang karuwagan
Dahil mahal, kahit gaano ako katapang
Na ipaglaban ang aking nararamdaman
Na sabihin sa iyong mahal kita
Na mahal na mahal pa rin kita
Pinili kong sambitin ang mga salitang ‘hindi na’
Pinili ko iyong ‘huwag na baka lalong masaktan kita’
Mahal, pinili kong wag piliin ka
Pinili kong itama kung ano ang maling aking nagawa
Mas pinili ko kasing bigyan ang isang bata ng buong pamilya
Upang sa kanyang paglaki may matawag siyang “Papa”.
Manhid na manhid na ako
Kaya't wala kang karapatang sabihin na, eto?
Ito ang makakabuti sa akin at sayo
Dahil hindi!
Maling-mali
Maling-mali ka nang iniwanan mo akong humihikbi
Habang nababaliw sa kakaisip kung ano ang nangyayari
Hindi ko mawari
Kung saan ako nagkulang?
Kung ano ang nagawa upang ikaw at ako'y magkaganyan?
Kung may salita bang nasabi at ikaw ay nasaktan
O hindi nagawa upang ako ay kalimutan
Mahal kita pero tama na
Mahal kita pero nakakapagod na
Kagaya mo, ako ay pagod na pagod na
Kaya patawad kong kagaya mo ay papalayain na din kita
Papalayain na kita
Dahil iyon ang tama
Papalayain kita kahit katumbas nito'y pagkadurog ko't pag-iisa
Papalayain kita...
Para mapanindigan mo ang pagiging ama
Kahit hindi ako, Kahit hindi na ako ang napili mo...
Upang maging ina ng mga anak mo
@qveenisabel06
@maichardbespren