top of page
Isabel & Miggy

Mahal, Malaya Ka Na

"Mahal, Malaya Ka Na"

Ang sakit palang makita na masaya ka na

Habang ako nandito hinihintay kang makasama

Iyong dating matamis naging matabang

Yung dating mainit naging malamig

Ang sakit pala doon sa nasanay ako sa kung anong meron

At hindi ko na kayang burahin yung kahapon

Ang sakit malaman na napag iwanan na ako ng panahon

Yung ikaw may bago ng buhay habang ako

hinahanap pa ang kahulugan ng salitang move on

Yung dating nasa tabi ko lang, di ko na matagpuan

Yung dating yakap ng bisig ko naging hangin na lang

Ang sakit nga pala talaga

Yung dating akin, pwedeng pag aari na ng iba

Ang sakit isipin na kahit anong gawin ko ay wala ng halaga para sayo

Na sa bawat tawag, sulat, text, pm at dm ko

Hindi ka na sasagot dahil hindi ka na interesado

Ang sakit pala yung dating tayo hinahanap hanap ko pa

Yung dating tayo na kahit kailan hindi ko na kayang ibalik pa

Ang sakit lang na kung kailan alam kong kaya na kitang ipaglaban

Doon ka nawalan ng dahilan, doon mo ako sinukuan

Kung kailan kaya na kitang ipagdamot at gawing akin

Doon ka nakahanap ng bago mong mamahalin

Kung kailan kaya ko ng mabuhay sa salitang mahal na din kita

Pinatay mo naman ako sa pagitan ng salitang minahal kita

at ng napagod ka na

Hindi ko alam kung papaano

Kung hanggang saan ang kaya ko

Mahal, lahat kasi ng sakit sinusubukan ko nang ibaon

Kasabay ng masasayang alala-ala ng ating kahapon

Hahayaan na kitang magmahal ng iba

Hahayaan na kitang sumaya sa piling niya

Hahayaan na kita

Hahayaan kita

Mahal paalam na,

Malaya ka na

MIGUEL & ISABEL

@pantastekmiggy | @qveenisabel06

 

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page