top of page
Isabel

Dota Ba O Ako?

Prompt: Biro

Group: ADN Tinta

Activity: Good Vibes Lunes

Dota Ba o Ako?

Doon sa may labasan sa may kanto

Malapit doon sa may nagtitinda ng mga puto

At may mga nakatambay na sanggano

At mga nakakatakot na lasenggero

May isang munting kuwarto

Na nagsilbing saksi ng aming pagtatagpo

Abala siya noon sa kanyang paglalaro

Kung saan tutok siya at ayaw paistorbo

Doon, doon ko siya naunang biniro

Kung may ibubuga ba siya o lahat lamang ay pakitang tao

Tumahimik lang siya at ayaw kumibo

Kahit na nga mata’y may parang inis na namumuo.

Hindi ko alam pero araw araw kong kinulit ang ginoo

Natutuwa kasi akong makita ang gitla niya sa noo

Pati ang pagsasalubong ng dalawang kilay niyang malalago

Wala akong pakialam kung matalo siya sa bawat niyang laro

Kung maubos ang pera niyang sa bulsa ay nakatago

Basta mabiro ko lang siya, hay!, buo na ang araw ko.

Ganito ang naging mukha ng araw ko linggo linggo

Sisilip ako sa ‘tagpuan’ namin kahit ilang minuto

Kukulitin, bibiruin ko siya ng may ngiti sa mga labi ko

Papanoorin ko ang paglalaro niya ng patago

Hindi ko lang kinaya ng sumagot siya ng "Ikaw, suko na ako"

Ng minsan ko siyang tanungin at biniro kung "Dota ba o ako?".

 

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page