Silip
Prompt: Silip
Group: Team Ache
Activity: Harot Friday
Note: Warning! The following content may contain elements that are not suitable for some audiences. Accordingly, reader's discretion is advised. =))
Silip
Sarili ay napasilip sa nakaawang na siwang
At doon, mga matang makasalanan ay may nakitang kariktan
Walang kawangis na kagandahan
Tila ba isang dyosa na iniluwa ng kalangitan
At siya~
Siya ngayo'y pumapagkit sa apoy ng makamundong pagnanasa,
sa loob ng malikot na isip
Batid kong isang kasalanan ang sumilip
subalit sarili'y hindi mapigilan
Antisipasyon ay unti-unting nararamdaman
Nang mga saplot niya'y iniisa-isang tinatanggal ng dahan-dahan.
Sinimulan niya sa unipormeng medyo lukot
Kasunod ay ang itim na tali sa buhok
ang unti unti niyang hinablot
Hangga't sa bra't panty na lamang ang natira sa kanyang suot
Na nagkukubli - bumabalot
Sa mga kanyang kayamanan na inaasam na maabot
Bigla akong nanghina
Tuhod ay tila nanlambot
Nang ang init sa katawan ko'y bigla nalang nanuot
Unti unti akong tinutupok
na tila ba ako'y isang dahon na tuyot
Sa gitna ng apoy na bumubulusok.
Alam kong mali
Alam kong hindi tama
Subalit sarili ko'y nasasabik sa maaaring maganap
Nakikinita ko at nararamdaman ko nang may sarap
Na naghihintay sa ako at ikaw...
Doon sa nasisilip kong alapaap.