Ritmo
Prompt: Haplos
Group: ADN Tinta
Activity: Harot Thursday
Ritmo
Sa ilalim ng gabi na may kadiliman
Naroon yung mga ilaw
Nagkikislapan
Nagsasayawan
Nanghahalina na minsan pa kitang sulyapan
Maiingay~
Mahaharot~
Ganyan yung musikang paulit ulit
Kasabay ng mga iilang hagikgik
Na patuloy akong inaakit na sa iyo ay lumapit
Nagsimula yung tugtugan
Mga katawan ay nagkakabanggaan
Sinubukan kitang lapitan
Gusto ko kasing titigan ka ng malapitan
Gusto kong mayakap ka sa haplos ng yugyugan
Hindi na ako nag-atubili
Ng makita ko ang ngiti mo sa mga labi
At lumitaw na ang biloy mo sa pisngi
Dahan dahan kitang sinabayan
Unti unti kong hinanap yung indak ng ating katawan.
Doon~
Doon ko nalaman na sa lahat ng haplos na aking alam
Yung binibigay ko sayo ang hindi ko malimutan
Yung haplos habang tayo ay nalunod sa kawalan
At parehong nasiyahan pagkatapos ng sandaling kabaliwan.