Anino-Han
Prompt: Anino
Group: ADN Tinta
Activity: Takutan Friday
Anino-Han
Hatinggabi noon
Ng marinig ko ang sigaw ng isang babae malapit sa may balon
Malakas, nakakabingi ang kanyang pag-iyak
Nadadama ko ang kanyang paghihirap.
Sinubukan kong lumapit
Hinanap ko yung boses na humihingi ng tulong ng paulit-ulit
Pero ako’y natuod, nanghina yung aking tuhod
Nang makita ko ang babaeng tila pagod na pagod.
Nakatali ang kanyang mga paa’t kamay
Sa higaang nababalutan ng itim na kulay
Walang awa siyang halinhinang hinahalay
Ng tatlong aninong sa balon ay napabalitang namamahay.
Natakot ako pero mas nanaig yung awa sa nasaksihan ko
Dahan dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko
Humakbang ng isa, dalawa, tatlo para sana makalayo
Ng bigla kong matapakan ang isang sangang tuyo.
Lumingon sa kinaroroonan ko ang pinakamalaking anino
Nanlisik ang kanyang mga mata at naging tila madugo
Kasabay ng isang isang ngising alam kong nakakaloko
At ang salitang “Takbo, Takbo! Pag nahuli kita, ikaw ang isusunod ko”.