top of page
Isabel

Gravi-Teh

Prompt: Nahulog

Group: ADN Tinta

Activity: Collab Saturday

Gravi-Teh

Noong niyaya mo akong magbakasyon

Hindi ako nagdalawang isip sa aking desisyon

Agad akong sumama upang makasama kita

Upang malaman mong ako’y nahuhulog na

Upang malaman mong mahal na kita

At nasasabik ako sa oras ng ‘tayong dalawa’.

Hindi ko alam kung papaano

Kung anong pwersa ang bumalot sa uniberso

Ang tanging alam ko

Nagmamahal ako ng isang estranghero

At kasama ko siya ngayon sa tabi ko.

Kaya kahit may atubili akong nasisilip sa mga mata mo

Naglakas loob akong ipadama sa’yo

Kung paaanong pinupuyat mo ang mga gabi ko

Kung paanong pinaingay mo ang tahimik kong mundo

At binigyan ng kulay ang buhay kong dating kulay abo.

Hindi ko napigilan, magkabilang pisngi mo’y aking hinawakan

Tinitigan kita at sabay labi’y hinalikan

Marahan~

Matagal~

Oras ay naging sobrang bagal

Hanggang pagyayaya mo na lang ang aking naulinigan

Habang yakag mo ako sa isang liblib na daan

Wala akong nagawa kundi mapangiti

Nakikinita ko na kasi kung saan tayo mauuwi.

 

15 views
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page