Mas-Shadow
Prompt: Anino
Group: ADN Tinta
Activity: Collab Saturday
Mas-Shadow
Dumating yung araw ng katuparan
Ng pangakong ika’y babalikan
Dumirecho ako sa inyong munting tahanan
Ngunit ni isang tao’y wala akong natagpuan.
Sinubukan kong magtanong sa aleng napadaan
Ano’t napatda lang ako sa kanyang naging kasagutan
Ang babaeng aking kasintahan
Ay kasalukuyang kinakasal pala sa may simbahan
Humabol ako, binilisan ko ang pagtakbo
Baka sakaling matutulan ko ang pakiki-isang dibdib mo
Subalit naging malupit ang tadhana
Biniro niya ako at pinamigay ka sa iba.
Sa sobrang hinagpis at sakit na nararamdaman ko
Hindi ko napigilan ang pag iibang anyo ng katawan ko
Sumilip ang mga sungay sa ulo at sila’y tumubo
Mga pangil sa aking bibig ay nagsimulang magmarakulyo.
Itim at pula ang tanging kulay na nakikita ko
Hindi ko alintana ang mga santo na nasa harapan ko
Hinablot ko ang lalaking nasa tabi mo
Sabay kagat sa kanyang leeg, pinatid ang ugat nito.
Hindi ako nakuntento, alam kong kulang pang bayad ito
Kaya’t dinakot ko ang puso sa dibdib mo
Pinira-piraso, inubos ko yung dugong bumubuhay dito
Saka ko tinapon gaya ng pagtapon mo sa pag-ibig ko
At bago ko pa tuluyang lagutan ka ng hininga
Ipapakita ko sayo ang tunay na mukha ng demonyong nilikha
Kasabay ng pagbibitaw ko ng isang nakakarimarim na sumpa
Na taon taon sa araw ng kasal mo isang babae ang siyang mawawala.