Basha, Ako Na Lang Ang Huli.
Note: Found a poem at FB entitled "Basha, Ako Nalang ang Huli" but i can't find the name of the one who wrote this. The poem was not in rhyme at dahil dakilang pakialamera ako, I tried to revise some of the words.. I hope the author will not be offended with what I've done :)
The one in blue color is the original script while the one written in black color is the revised one :))
Basha, Ako Na Lang ang Huli
Basha, hihilingin ko sanang ako na lang uli,
Ako nalang uli.
Kaso hindi pa ako buo,
Yung pagkabuo na buong buo
Yung buong pwedeng magpadurog ng paulit-ulit,
Yung buong kayang magpabasag ulit sa sakit.
Yung mabubuo mo pa rin kahit wala ka namang gawin
Mabubuo mo pa rin ~
Ng isang patawad lang,
Ng isang sorry mo mahal
O ng isang patawa,
O ng isang ngiti na paawa,
Basta galing sa’yo
Galing sa'yo muli akong mabubuo
Hihilingin ko sanang ako na lang uli,
Tayo nalang muna muli
Pero tama ngang huwag na nga muna siguro
Naguguluhan pa kasi ako,
Natatakot pa ang utak ko
Hindi ko kasi alam kung sapat na ang buwan na nagtago ako sa'yo
Kung sapat na ang mga araw na naitakbo ko papalayo
Natatakot akong mabuang muli sa ideya ng pag-ibig
Natatakot akong matali na tikom ang bibig
Dahil baka may hindi ka magustuhan
O baka hindi malambing na pakinggan kapag sinabi ko ang tunay kong nararamdaman
Hihilingin ko sanang ako na lang uli
Basha, gusto kong makita ulit ang iyong mga ngiti
Gusto kong ako ang maghihimay ng balat ng chickenjoy mo,
Tuwing hapunan kapag hapong-hapo ka galing trabaho,
Hihilingin ko sanang ako na lang uli,
Magmamakaawa ako Basha, ako na uli ~
Kaso hindi ko pa rin alam kung posible bang maibigay ko sa’yo
ang pagmamahal sa mundo
Kung mismong sa sarili ko,
Maluwag na ang yakap ko.
Kaya Basha ang hihilingin ko na lang
Sa mga bituin at sa maliwanag na buwan
Ay ang maging huli mo
Ang maging hangganan mo ~
Hahayaan kong maglakbay muna tayo ng magkahiwalay
Hahayaan kong mahanap muna natin ang nawawala sa ating buhay
Saka ako aasang isang araw
Sa isang dapit hapong mapanglaw
Magkakasalubong tayo sa isang sulok ng daigdig
Na mas matibay na ang mga bisig
Mas malaya na ang bibig
Mas kampante na ang titig
Mas kabisado na ang klase ng pag-ibig na ibig
Hindi yung pang-matagalan
mas pang-walang tanggalan.
‘Basha, naririnig mo ba?
Hinihiling kong huwag muna
Huwag na lang muna ako uli,
Dahil mas gusto kong maging huli.
Ako na lang ang iyong huli.
Hihilingin ko sanang ako na lang uli, Basha
Kaso hindi pa ako buo,
Yung pagkabuo
na kayang magpadurog paulit-ulit,
at mabubuo pa rin, isang patawad lang,
o isang patawa, o ngiti na paawa,
basta galing sa’yo.
Hihilingin ko sanang ako na lang uli,
pero hindi ko rin sigurado.
Kung sapat na ang three months
para makatakbo palayo sa lahat ng buwan
na ako ay nabuang sa ideya ng pag-ibig
na nakatikom ang bibig,
takot maisiwalat ang iba't ibang hugis ng salita
dahil baka hindi mo magustuhan
dahil baka hindi malambing pakinggan.
Hihilingin ko sanang ako nalang uli,
ang maghihimay ng balat ng chickenjoy mo,
tuwing hapunan kapag hapong-hapo galing trabaho,
pero hanggang ngayon hindi ko pa rin mahimay
ang selos mula sa insekyuridad
na gumagalos sa kaluluwa
kaya hindi pa rin sigurado.
Hihilingin ko sanang ako nalang uli,
kaso hindi ko pa rin alam kung posible bang
maibigay ko sa'yo lahat
ng pagmamahal sa mundo
kung sa mismong sarili ko,
maluwag ang yakap ko.
Kaya ang hihilingin ko nalang,
ay ang maging huli mo
Maglakbay muna tayo nang magkahiwalay
aasang magkakasalubong
sa isang sulok ng daigdig
na mas matibay na ang mga bisig
mas malaya na ang bibig,
mas kampante na ang titig
mas kabisado na ang klase ng pag-ibig na ibig
hindi pang-matagalan
mas pang-walang tanggalan
‘Wag na lang muna ako uli, Basha
Dahil mas gusto kong maging huli.
Ako na lang ang huli.