Halaga
- Isabel
- Oct 10, 2017
- 1 min read
Note: Hiningian ako ng isang kaibigan ng isang tula na ang pamagat ay "Halaga". Hindi ko alam kung paano ko nabuo pero nabigla ako na natapos ko siya. The more shocking fact is that while I am writing this one, may isang tao akong naisip. This one's for him. Naiinis kasi akong tuwing sinasabi niyang nalulungkot siya at naiirita siya sa buhay niya. Hope this simple poem could make him smile :)
Halaga
Hindi mo man madalas marinig
O naitatanong sa iyo ng mga taong makakati ang bibig
Alam kong minsan ay nagawi na sa isip mo
Kung ano nga ba talaga ang halaga mo dito sa mundo.
Sa malalim at tahimik na gabi
Sa mga araw na ang problema mo ay laging katabi,
Sa mga panahong naiinis ka na sa desisyong pinili
Yakap mo ang tanong, kung may halaga ba ang iyong pananatili?
Oo ~ Alam kong hindi madaling humanap ng sagot
Lalo na kung sa buhay mo’y ikaw ay bagot na bagot,
Pero bakit mo kailangan mong gawing komplikado
Ang mga bagay na simple lang kung talagang iyong matatanto.
Di mo man mahanap ang iyong halaga sa bawat paggising mo sa umaga
Naliligaw man madalas ang utak mong kung saan saan nagpupunta,
Gusto kong alalahanin mong di mo man makita ang halaga mo sa iba
May isang nagsulat nito na masaya dahil pinagtagpo kayong dalawa.





















Comments